Where Have You Been Lately?

Wander Woman Wandering

2010 ELECTIONS: TELL US WHAT’S ON YOUR MIND.

2010 Elections: Tell us what’s on your mind.

2010 Elections: Tell us what’s on your mind.

May kinasusuklaman ka bang politiko? May crush ka bang Presidentiable? Naaaliw ka ba sa mga advocacy campaign? Naiirita ka na ba sa nunal ni GMA? May gusto ka bang i-share sa iyong nakaraang voting experience? May saloobin ka ba na konektado sa eleksyon?

Kung oo ang sagot mo ay saktung-sakto ka dahil nangangailangan kami ng mga saloobin at opinyon tungkol sa paparting na carnival na kung tawagin ay Philippine National Elections.

Puwede mag-contribute in any form. Kahit essay, one-liner, quote, tula, kanta, drowing, photograph, o kung ano pa man ang maisip mo na makapagpahayag ng saloobin mo. ‘Wag lang isang buong nobela o kaya sand castle. Hindi rin kailangan masyado seryoso o intelektwal o aktibista ang tono. Basta kung ano lang nasa isip mo. The bottom line is: get your message across. Para ka lang nakikipag-debate sa mga kainuman mo sa kanto.

Ang mga iko-contribute ay isasama sa isang web publication na naglalayong maging aktibo ang kabataan sa darating na eleksyon. ‘Wag kayong mag-alala dahil in good faith naman ang paglabas ng publication. Sa mga gustong mag-contribute ay pakipadala lamang ang inyong mga obra maestra sa kantonista@gmail.com.

Sa kasamaang palad ay wala kaming maibibigay na kahit anong uri ng kabayaran sa inyong mga contribution dahil kasing nipis ng pakpak ng ipis ang mga wallet namin. Isang dumadagundong na pasasalamat lang ang aming maibibigay. Aasahan namin ang inyong mga sagot. Olrayt? Olrayt! Maraming salamat!

  • del.icio.us
  • Digg
  • email
  • Facebook
  • RSS
  • Technorati
  • Twitter
  • Google Bookmarks
  • LinkedIn
  • MySpace
  • PDF
  • Ping.fm
  • StumbleUpon
  • Tumblr
  • Wikio
  • Live
  • Mixx
  • MSN Reporter
  • NewsVine
  • Reddit

You might also like

GREGORY JADE 35
BAG DIMENSIONS Size Volume Weight Torso Length S 2074 in³ / 34 L 2 lb 14...
MAG-ASO FALLS INCIDENT
As relayed by Bobby Henderson. Mag-Aso Falls, Bohol, Philippines June 30 2009 July...
THE NORTH FACE: WHERE HAVE YOU BEEN LATELY?
Some of you might be wondering what made me choose the tagline, "where have you been lately." Let...
BUKIDNON 2009
...

About The Author

Kaiz
MissBackpacker who is physically located in the Philippines wishes to discuss traveling, mountaineering, photography, and whatnot.

Comments

Leave a Reply